So anu na? Mag iisang buwan na. HAHA. Mag ffinals na kami. Anu ba ito? Ang dami nang nangyayari. Wala na kong nasshaaaare!! :( Anyways, ginanahan ako mag blog dahil sa naexperience ko nung saturday, September 26, 2009. So eto yun:
Since di nag susupend ang school namin... Haha. Eto ang nangyari..
Mga 2pm na nag announce yung school na suspended. Eh super ulan to the maxx na nun. Di na tumila. Nag stay muna kami sa 6th floor. Kase dun ang request yung isang kablock namin ng room para sa practice sa finals sa pe na di narin tinuloy. Ayun. Tambay. Tas super gutom na kami kase di pa kami kumakaen. Nung break kase, baha na daw talaga sa labas tas wala ng food sa caff. So yun. Lumabas yung isa naming kabarkada kase mag kikita sila ng BF niya so nag pasabay na kami. Nung naka balik na sha, grabe para kaming di nakakain ng 1 linggo. Whoa! Tas nag kayayaan ng umuwi. Nasabik kase sila sa baha. Gusto nilang lusubin. So ako, go. Pero nag dadalawang isip. Kase maiiwan yung isa naming friend na babae. Si Sam. Eh gusto ko nading umuwi. Since makakasabay naman nya boys, sumama na ko sa mga unang umalis. So sugod na sa ulan. Basa na us. Tas andun kami sa may daan, hanggang makarating sa Citidorm. Upo muna. Tas yun. Nanghingi ng plastik kay kuya Mang Bok's. Haha. Tas bago kami umalis, nag papicture muna kami.

Tas nag text si Sam. So bumalik kami dun malapit sa school para nga sabay sabay na kami. Pero wala na ko natatanggap na replies. So umalis na din kami.
From school (CGH, Blumentritt), hanggang LRT Station Blumentritt nilakad namin. Hanggang tuhod ang baha. Tas basang basa na kami talaga. So yun, nag train kami hanggang monumento. Pag baba namin ng monumento, lakad kami. Tas yung mga sasakyan, di na talaga umaandar. Mas mabilis pa lakad. Tas ang plano namin, sa Balintawak na kami sasakay. Tas pag dating namin ng Balintawak, yung sa ilalim nung bridge dun, GRABE! Hanggang dibdib tubig. Tas naka stop na mga sasakyan. So change route kami. Lakad nanaman hanggang munoz. Bago pa makarating ng munoz, yung tubig paunti unti na tumataas hanggang sa dumampis na ng clitoris!! Tas sa may bewang na. WHOA lang talaga. Tas ang scence parang "the day after tomorrow" na. Yung mga sasakyan lubog na halos tas sira sira na lahat talaga. Grabe parang ilog na yung nilalakaran namin. Hanggang sa nakarating na kami sa Munoz. Yun, di na baha. Pero mga sasakyan naka stop parin. Yung iba nga wala ng tao eh. Yung iba naman, mga tulog na sa loob. Ang scary to the point na parang may something na talaga na mangyayari. Weh. HAHA. Ayun. Tas from munoz, lakad nanaman. Hanggang makarating kami ng Congressional. Tas yun. Lakad parin hanggang mindanao ave. Tas dun na ko nasundo. WHEW! DEATH MARCH ITO!! :)) Super mega first time! Nabinyagan na ko ng buhay maynila. WAHAHA!
Pero infairness, masayang adventure yung nangyari talaga nung sabado. And GOOD THING, naka PE uniform kami. Tsaka di kami nag kasakit :)
Thank God we're safe :D
Yung kablock ko lang nakakaawa kase wala na silang bahay and all. Lubog daw talaga as in. Finals week pa naman namin. Tsk tsk. :|
Sana mag stop na to. At sana din, LAST na to.
Let's pray for everyone's safety. God bless us all!