Captain Goodtimes
Wednesday, July 29, 2009
Weehu. Sinabayan ko lang tong pag gawa ko ng project sa English ng PAG NET. :| HAHA. Wawa much? AT... Takas lang din to. Habang wala si Mother. Ayun. Kung itatanong mo kung bakit. Midterms week kase namin. Ayun. So far, so... Yeah. HAHA! Nakakangawit kase mag shade. Good thing puro multiple choice lang. Tas parang NCAE or kung anu entrance test or kung anu mang klaseng pag susukat ng kaalaman meron nung HS. Ganun kami ngayon. Haha. Di-scan daw kase bla bla. MAdali sha kung iisipin pero mas madali parin kung mag babasa ka talaga at alam mo yung PINAKA TAMANG SAGOT! Ayun. Kinakabahan ako sa TFN. Yun kase pinaka mahalaga at pinaka mahirap na subject. Haha. Puro kase sha memorization at kung anu anek anek. Ayun. SANA LANG TALAGA. SANA.. Pumasa ko dun. :| Lalo na sa pinaka hate kong subject! ---SOCIOLOGY! Tadaaah :| sana pumasa ko dun. Pinaka hate ko na nga tas uulitin ko pa (if ever mang di pumasa ngayong year), imaginin mo nga! Haha. At sana sa lahat ng subjects! ;)

ENGLISH BUKAS! I'm so excited. Hahaha. Tsaka sa Psycho... NOT. :>



BABAY NA! Tutuloy ko na tong project ko. Ang title? "The girl with infinitely precious smile" --tama ba? Hahaha! Sorry naman kung hindi. :| =))


TUTCHANGERS!
Thursday, July 23, 2009
Happy day! :))


8.30-11.30- NSTP!
Ayun, nag quiz. Tas lecture about MALARIA. Haba mehn. Goodluck sa Midterm!! Hahaha. Half day lang kami every thursday. Since ganun na nga, napag planuhang pumunta sa bahay ng kaklase namin. Kela Jasset. Graaabe, BAHAAAAYYY!!! Haha. Ganda ng bahay nila. Maluwag, malaki. Hehe. Ayun, nanuod ng wowowee. Tas kain. NUTELLA, PANSIT, COKE, BREAD TOAST, KIKIAM, etc.. YUUUMMMYYY!! :P tas dapat manunuod kami nung mga na-ban sa TV na accident thingo. Ang gross! Haha. Kaso, di natuloy. Fake ung dvd. Puro gasgas na pala. Kaya isosoli nila. Tapos maya maya, umakyat kami. Nag internet. Tas soundtrip ng malakas. Habang nag kakagulo sila sa loob ng kwarto, ako nag iinternet sa labas. Hihi. Natawa kami dun sa CrushBot ba yun? Yung sa fb. Nyahahaha. Akala ko, ako yung may crush dun sa mga taong lumabas sa result amp! Kanina ko lang na isip na sila pala. :))) Nakakatawa!!! KALOKOHAN! Isa lang tama dun eh! JOOOOKEEEE!! =))) joke lang. Hahaha.

Okay, going back...

After ko ipakita pics sa kay Sam, pumasok na din ako. Grabe, nag paparty pala sila sa loob ng kwarto! Nyahaha. Party music, party people, party dance. LOL! Nakakatawa talaga. Puro laughtrips lang. Tas gumawa ng music video ng PARTY PEOPLE tsaka anu yung isa? Kay Flo-rida yun eh. Nakakatawa talaga. As in. Kung andun ka, mapapa egg roll ka sa saya! =)) tas maya maya, gumawa naman kami ng video ulit ng JAI HO! Pero this time, lip sing naman. Parang sa moymoypalaboy ganun. Pero di ganun exactly na nag mamake face na mukhang tanga.... SLIGHT LANG! =)) nakakatawa pa kase pangalan namin dun, nag pakilala kami na "TUTCHANGERS!" (BAHO!) dahil kay Marie, yung isa naming kafriend na inaasar na madami ng tutchang. Hahahaha! Kulet lang. Aft nun, pinanood namin yung bunga ng kalokohan namin sa pc. SHET LANG sa katatawanan at kahihiyan. HAHAHA! Tas yun na. Uwian na after. Kase yung isa naming kafriend na si Kat, sa may ust pa uwi. Kamusta naman sa layo? Novaliches to UST? @-| ayun. Sinabay kami nung parents ni Jasset. Eh dadaanan naman yung mga kanto kanto kung san kami nakatira, so yun. SIBAT!


WHO: Marie, Jasset, Sam, Kat, Aileen, Loudette, Richmond, Argel =)


You're the delicious candy center covered in a fun chocolate shell. Yum!
Tuesday, July 21, 2009
Today you'll need to use your willpower to avoid stepping into a complicated situation that could turn into a trap. This new venture might sound irresistible, but you must try your hardest to resist! Romantically speaking, you might be ready to push things a little further, but you should hold back on this right now. Definitely share your thoughts and feelings with the object of your affections, but be open to the possibility that they may not feel the same -- yet.



Okaaay. :| LOL. Hahahaha. Basta may narealize ako.. Kaso feeling ko late na... SAD. :(



Emo amp. Hahahaha.





SA JEEP.. napag tripan nanaman namin si GIRL FRIEND namin. Di namin sha papansinin. Ayun, umiyak nanaman. Part 2. Kulit eh. Ang kyut pa niya umiyak. Tas nag mamakaawang pansinin na namin sha. Eh kami yung tipong parang di sha nag eexist. Haha! Nakaawa na ewan. Tas sabi namin, hanggang bukas ganun. anu kaya mangyayari? Hm..



:)) *ILOVEYOUMARIE!* Peace! :>


EKSENA SA TABI
Tuesday, July 14, 2009
WUHOOO! FILIPINOOO!!!


Haha. Ang saya talaga pag tuesday. :> :> I so looove SIR NAVARRO! Haha. Parang laging nasa clowns eh! Lol. ;)


Aft class, kain muna kami sa MASTER SIOMAI. Haha. Tapos, balik school para sa practice. Ayun, since late kami, pinag vocalize kaming 3 na late. Nakakatawa lang eh. Tas yun. Kung anu ano nanamang panlalait natanggap samin nung elepanteng batik batik ang fes. HAHAHA! BAAAAD :| Tsk. BLAAAHH!! Maya maya...

nag punta yung 3 maria(sam, marie, abbey) sa room kung san kami nag papractice tas yung 1 maria, may dalang mini bouquet... tapos.. DI KO NA KKWENTO. :)) Private matter. LOL? Hahaha. Basta, hanggang sa bago umuwi, akala namin may suntukan na eh! AMP. Sa labas yun ah. Sa sakayan. Badtrip lang. :))

Okay, alam ko namang di niyo alam pinag dadaldal ko dito. PASENSHA! :)) para may remembrance lang ako. HAHAHA! Ge, babay na. Mag aaral pa ko sa TFN. :(((


*cos I'm missing you.. what can I do? I'm thousand miles away from you.*


Buhay ba ang tawag dito? :D
Your instincts are telling you to stay uncommitted. Don't ignore their guidance.

ANG SAKIT NG SIKO KO! Namamaga. Bakit kayaaaaa?! :|


Pooof. Nakakatamad naaa. Hahaha. Pero ang saya saya naman. Ilang beses na kami pinapadismiss ng super aga tsaka ilang beses nadin umaabsent yung iba naming profs. So napapadalas ang pag punta namin sa... SM MANILA! Wahahaha. Nakakasawa na kase sa Lazaro eh, kahit isang beses palang kami nakakapunta dun. Ayun. Tas this week, balak namin sa China Town tsaka sa Intramuros.. Kaso mukhang di pa matutuloy kase etong week na to' puro practice sa mga orgs orgs. Kaya yun. Good thing, mag kakapareho kami ng org. Kaya sama sama padin. Ay hindi din pala, kase hiwalay singers sa dancers. Pero sasayaw at kakanta kami. Kapal noh? Hahaha. Ayun.. Siguro after nalang ng Midterms. KAse next week puro review na yun eh. Tas week after that, MIDTERMS na. Grabe, kinakabahan ako. Ayoko maging ireg nor lumipat ng school. :(( GOODLUCK talaga.

Actually ngayon, madali dali pa eh. Except lang sa chem. Yung prof kase namin di mababa sa level namin yung pag tuturo niya. Kaya minsan di namin maintindihan. Sana si Ms. Lolit nalang teacher namin sa chem! Anyway, sabi nung prof namin sa Socio, "start loving your books.." LOL? seryoso po ba kayo? :)) Eh goodluck naman sakin na nag aaral lang day before exam at hours before quiz. Oha! Anu say mo? Effective naman eh. Nasanay na ko sa ganung klaseng paraan... ng pag aaral. Eh ikaw?


Okay, papasok na ko. Namove kase yung English namin ng Friday morning. Kaya Fil lang kami ngayon. Ang saya saya! MAbubuhayan nanaman kami ng dugo kay Sr. Navarro. =))
Kung tatanungin niyo man kung bakit namove eh kase.. Na ospital kase yung peborit english teacher namin at sad to say, hindi na sha teacher namin sa english. :(((( May papalit.. Si Ms. Herher. Anu ba yun. Di mo malaman kung ano eh. Hershey ba, Herpes, Herbosido,... okay korny na. =)) makaalis na nga.


AM STILL THE SAME OLD KID ;) GEE TO GEE! (wave)


Anima Cristi
Wednesday, July 8, 2009
WOOOTS! Ilove this day! Haha. Wala lang.



1st 4 hours: CHEM LAB.


Ayun, expe. Sarap lang mag experiment. Hehe. Ako lang pinapagawa nila. Ang saya talaga. Seryoso. :))

TAPOOOOSSS.... LUNCH! :>


1-5 pm: TFN.


Nag enjoy naman kami sa SHINGALING?! =)) Alam niyo yun? Yung pag kain na crunchy na... Basta. Parang chicharon na ewan. Pero parang pritong sitaw. Get? Basta yun. Eh kinakanta nila tas napapasayaw lang ako habang paakyat ng blitchers. Yung paakyat na part sa room namin. Ayun. Tuwang tuwa naman sila AMP. LOL! :)) tas aft ng 5 minute break na parang 10 minutes na.... Wala na halos nakikinig. Kung anu ano nalang ginagawa namin ni Sam na kalokohan. Habang kumakain, shempre. :> :> :>


After nun... Nag karon ng screening sa org namin para sa nalalapit na event. Ang title "We can make a change.." :> Ayun. As usual, kumanta ko. Yung title ko dito yung kinanta ko. Hehe. Pero gusto ko ding sumayaaaawww! :( multi talented ako eh. LOL! HAHAHA!


Ayun, tas uwi. Kulit lang sa jeep. Laughtrip amp. Puro jokes at pautot. Haha.


Gee to gee na. Kailangan pa imemorize pages 1-23 sa handbook namin. GOODLUCK! :|

May nalaman ako kagabiiii! OH MY GOD! x]]]


under depression
Wednesday, July 1, 2009
OUCH! Sobrang OUCH talaga!! :(( di ako makaget over sa quiz namin sa chem lab kanina. Wala naman kase shang sinabe. Na sabagay hindi naman na talaga ganun ngayon. TSK. Usually kase, tamad mag paquiz yung prof namin sa chem/lab. Like pag sa chem, aral kami ng aral every week na may meeting kami sa kanya, tas pag pasok niya, sasabihin niya di tuloy. So nakakatamad na. Tas sabay kanina, sa LAB, na nakaka isang meeting palang kami, nag paquiz agad. Pag pasok na pag pasok niya: OKAY SPREAD OUT! agad ang bumungad samin galing sa bibig niya. GAAAAH! :(( di ako prepared kase di ako nakapag aral. (nag adik kase ako sa 90210 kagabi) amp yan. Eh parang ngayon pa naman, nakakatakot ng bumagsak. Kahit quiz lang yan. Lalo na yung iisipin mo pa the fact na posibleng masipa ka diba. UGH-liness. :((




ANYHOW...


nasayang ang halos oras na tambay namin sa classroom. Umaasang papasok prof namin sa TFN. Kasi nung morning, di din sha pumasok sa section C yata? Ewan. So yun. Akala namin papasok sha. So nag hintay kami. Hanggang sa naaalibadbaran na kami, pinatanong na namin. AYUN, attendance nalang daw kailangan tas alis na. SIBAT! :D



ngayon, nag aadik ako ulit sa 90210. tas mamaya, mag aaral na ko talaga. NSTP bukas, so may quiz dun for sure. PLUS! absent ako last week so, 2 quiz na itatake ko. pati nung mga absent. OKAAAAY. Malapit na ko mamatay. Sana di na ko madepress. SAKIT SA BANGS! :(((




AY! dapat kaya punta ko uste.. kaso di nag rerep si Jopoy. Kaya yun, di nalang. Wala lang. SHAAARE. :|


Tittle-Tattle

Thoughtless Little Pig

Rumor has it

Old Road

credits