FUSHET.
Monday, June 29, 2009
Mukhang timang lang teacher namin sa PE. Kinwento na buong buhay niya. Nakakatawa lang. =))) ang tanda na niya ah. Imagine her, nag tuturo samin ng gymnastics. LOL! Pero 2nd part pa naman daw yun. 1st part namin, physical fitness. Ayun. Menoposed na yata yun kaya mejo moody. Sobrang unpredictable. Tas tinatry niya yata kami patawanin pero, sorry. Di nag work. HAHAHAHA. Lame.



Manunuod yata kami ng TRANSFORMERS ng mga New Found Friends ko. Hehe. Eh kase naman sa batche, gg, eb, wala na kong pag asang makasama sa mga gala nila. Ang lalayo sakin. Ang complicated din. Sana sila nalang pumunta dito. LOL, asa naman. :| sana andun ako malapit sakanila. Sana... Sana...


Gnayt. bokamode


FUN DAY! :))
Friday, June 26, 2009
PSYCHOLOGY.. tulad last week. Puro lecture. Haha. Kaboring talaga. Pano naman kase si teacher eh. Hahahaha. Tas nag chuva chuva chenes na exercise. Inexercise lang namin brain namin. LOL. Sakit sa utak nun. PEro nung checking sakit naman sa tyan! =)) Kulit kase nung isa kong kblock na lalaki. Si Irich. Kung anu ano pinag sasasabi eh. LOL! =))))


TAPOS...


Nag antay hanggang 5 pm para sa meeting ng ORG. So punta 7-11 para kela kat & aileen. Tawanan & trip trip. Tas balik school. Akyat sa 6th floor. Kasama boys. Tas kung anu ano lang na etyas. Haha. Tas hanggang sa di na pala tuloy meeting amp. So nag hanap ng mapag lilibangan. Punta sa multi-purpose hall. Dapat mag billiards kami. Kaso may tao. Tas mag gym din kaso UNDECIDED talaga kami. Hahahaha. So nag 'bato-bato pick' nalang kami. Hahahaha. Laughtrip talaga yun. Sakit sa tyan. Tas sa may hagdan pa kami nag gagaganun. Tas hanggang sa may mga kablock kaming lalaki na pumasok sa billiard/gym room. Pumasok nadin kami. Lamig lang! Tas bhat kunyari. Kabigat naman. Haha. Tas picture taking. :)) tas umalis na yung mga nag lalaro. So kami na. Katawa talaga. Hahaha. Mga di naman kase kami marurunong. May oras na nag sisitalbog yung mga bola. Hahahaha. Kulet lang. Tas hanggang mga 6 kami dun. Tas yun. Uwian...

Kwentuhan sa jeep tungkol sa HS life. Awwww. KAMISS! :(




PE bukaaaas! :)) GYMNASTICsss kamusta? :))


way better than yday..
Thursday, June 25, 2009
:|



06.21.09

Happy Father's day! :) nag punta kami ng loyola kasama ko tita tito at pinsan ko. Dinalaw namin lolo ko. Ayunnn. Aft nun, kain sa saisaki. Grabe lang sa kabusugaaan! Bondat na. Amp. Sarap talaga dun. Forever! Hahahaha. Ayun. :D

06.22.09

Happy Birthday Cherry!

Chem 1s subj. Langya yan, alam namin lahat may quiz. So nag review ako sa jeep palang. Kabisado ko na lahat. As in. Nag effort talaga ah. Tas sabay next week nalang daw. Amp. Pinahaba pa niya coverage. Pahirap lang. Badtrip. Tas nag math. Brrgs.

06.24.09

No classes dahil Manila day. Salamat talaga at walang pasok. Nagising ako ng madaling araw. Ewan kung anong oras yun. Nag chichill talaga ako sa lamig kahit na 21 temp ng aircon. Kaya sa sala ko natulog. Amp. :)) Tas mga 6 yata, binaba ako ng tita ko tas ginising ako. Ayun, pinaakyat ako. Tas sobrang sakit ng ulo ko. Tas sobrang init ko. Tas hirap na ko makaulog uli. Tas yun, umabot ng 39.1 temp ko. So may hyperthermia ako. YEHESS! HAHAHA. Gumaganon. Ayun. Uh, basta sobrang lamyang lamya ako. Katamad pa kumain. Tas nag vomit ako once. Tas umokey na nung bandang hapon. Tas nung gabi, tumaas nanaman. Hanggang 39.4. Natakot na ko kase halos lahat ng symptoms ng A/h1n1 meron ako. Nakampots? :| Ayuuuun.

06.25.09

di ako pinapasok ni madur. Ayun. Mejo okay nadin naman ako. Nakapanuod na ko ng swamp devil. Amp yun, nakalagay sa dvd, wrong turn 3. pero iba laman. Swamp devil. Amp. Tsaka bride wars. Tas tinawagan ako ni Sam para mangumusta. Dapat kase may socio make up class kami ngayong hapon. Di nadin daw natuloy. Tas dalawin nalang daw nila ko. Hehe. Pero wag nalang. Hahaha. Nag quiz daw sila sa NSTP. Sana pag take din ako. Lusot naman reason ko diba? May med cert nadin ako. Nag pacheck up na din ako kanina. Infection daw sa tonsillitis kaya ako nag ka virus. Yek, virus? Hahaha. Ayun. Makakapasok na ko bukas. >:D




*theonlythingthat'smissinginmylifeisyou*


HAGGARD much? :))
Saturday, June 20, 2009
Dup dup dup? :D


FRIDAY 06.19.09

1-4 class. Haha. Psych. KAANTOK LANG. Yun lang. PERIOD. :))

SATURDAY 06.20.09

Freshmen Orientation :D sa Chinese General Hospital, Auditorium. Ang laki lang ah at ang LAMIIIG! Sobrang laki talaga :)) nung una, informal. Pinag usapan lang yung sa school facilities, admin, events, etc. Tas nung after break. Mga 10, yun na yug formal. About naman sa mga ORGs yun. Tas may games & intermission numbers. Ang saya lang amp. Sobrang laughtrip. Tas oath taking din ng SC. Ayun. Tas nag lunch kami sa Times Square sa gilid ng hospital. Aft nun, punta na ng school. Tas pasok sa mga assigned rooms. Kasama section C. Grabe sa ingay nila. Yung ingay na nakakairita. UGH tlaga. Tas maya maya, pumasok na yung facilitator na student. Tas sinula yung Org Rotations. Eh per group yun bawat section. Una naming pinasok yung Studen't Catholic Action. Ang kulet lang kase may Santino, tsaka si Bro. Ang kyut tlaga tas nakakatawa sila. Tas may mascot pa! Si Kim Bum ng Boys Over Flowers!!! OMG, kamukha nya talaga. Bigyan mo lang ng onting laman! Grrrabe. Total hotness! HAHAHAH! Tas aft nun, math & science tas Performing Arts, tas Red Cross, tas Seeds of the Nation tas Speech club. Ang ganda ng pinresent ng speech club. Grabe talaga. At ang pice nila ano? Ask me! DALI! :))) 'BELLS' -- piece namin sa speech choir nung 2nd year kung saan............ ALAM NA! >:)) grabe, ang galing talaga. Di sha yung ordinary na ginagawa namin noong HS. Sguro kung ganun ginawa namin, sure win na! :)) sayang, gusto ko mapanuod niyo. Tsk.

Ayun, so ang tagal naming mag isip ng Org. Actually, ako lang & yung friend kong si Sam. Kase yung iba naming kasama, nakapag isip na talaga. Haha. Eh pinagpipiliian namin yung PAO (performing arts org) or yung SCA (student's catholic action). Kung iisipin kase, pag nag PAO, starting from July, practice na agad. Eh hello naman sa sched ko? Haha. Tsaka tapos na ko sa stage. :)) ilang years nadin akong TAG member & officer. So, oras ko na para mag iba naman and maka experience ng iba. Yung SCA kase, pinaka active na org sa foundation week, pero wala mashadong oras na nacoconsume. Get? Pag may meeting, or kung ano man. Di mashadong makakaapekto. Kaya yun. Di sha tulad ng sa YFC na mejo boring kase... basta. Iba yun eh. Mapapansin mo naman eh. Ayuuuun! :))

Grrabe sa Socio! Dapat kase, ngayon yun. Eh dahil Orientation, and yung sa org thing, wala kaming class. So nag bigay nalang sha ng handouts. 7 pages, back to back. Tapos..... QUIZ in thursday. Kamusta naman? Buong linggo yata this week, may quiz. GOODLUCK naman teh. Pray for me naman diba? :| TSSSK. Well, I'm just starting to build up my career, so... kakayanin! May ganon talaga??? :)))

Tas yun. Sumabay na ko kay madur sa pag uwi. Parent's orientation kase nung hapon. Kaya yun. Nakakaewan pa kase may mga SC officers na nakabantay sa git na ng hagdan at elevator. Ayaw pa talagang mag pauwi. Buti nalang umakyat yung mga parents kaya sabay na. Hehe.

Grabeng araw to'! Kapagooooood! ARAL MODE.. bukas. :)) himala yata to. Di naman ako nag aaral. Pag exams lang. Tsk. Dami kong sinasabi. BOKA MODE..



AY! Nasimulan ko na nga pala yung 90210! Am loving it!! Hahahaha. Malandi!

Batchmates ko may reunion na agad. Asa namang makakapunta pa ko. Pffft. asdfghjkl;


Not so half day.
Thursday, June 18, 2009
Toootsie! :)) NSTP 1 kami kanina. Akala namin terror nung prof kase sha ung sobrang ubod ng terror nung enrollment. Sha kase yung nag facilitate sa mga sophomores tas sinisiawan niya and all at ang taray talaga! Pero kanina, kabaligtaran talaga sha nung nakita namin nung enrollment. Haha. Nakakatuwa sha. Ang kyut mag english. Kase chinese sha. May punto. Nakarinig naman na siguro kayo ng chinese na nag eenglish da ba? Or kahit tagalog? Hehe. Lalaki sha. Magaling mag explain and pabuhayin yung subject. May pag ka L sa mga explanations at jokes. Pero super okay. Kase napapatawa kami lahat. Lalo na si Jovi! Todo tawa amp. Laughtrip lahat. HAHAHA! ji-COOL mehn! :)) ayun.


Napag usapan lang namin yung 'It's one in one' (pag bigkas ni Manny Pacquiao ng A/H1N1). Puro kopya. Grabe lang kami sa pag mu-multitask ha. Kinig habang nag susulat. Tas napag usapan ulit yung grading system kung san ang passing RAW SCORE is 65. Pag ang percentage mo daw ay ang magic number 69-73, kukuha ka ng REMOVAL EXAM. Masakit daw makakuha ng 68.4 kase .1 nalang, makakakuha ka na ng removal exam. Kaya mas okay daw na 58% ang makuha, atleast di masakit kase malayo na sa 69. Get? Hahahaha. Kulit amp. Tas yun. Pag 74% daw nakuha, okay lang yun kase ginagawa na daw nilang 75 yun. Kaya pasado pa talaga. Pag kumuha pa kase ng removal exam, kahit gano pa kataas yung grade mo dun, automatic 3 na ang grade. WHEW. Katakyot. Pero kaya yon. :> stay POSITIVE :))

nakakatawa pang part kanina habang pinag uusapan yung syllabus namin, meron dun about sa HIV tsaka sa STD. Tas sabi niya, mag antay daw muna ng mga 14 weeks bago makipag engage sa THING na yun, antayin daw muna madiscuss. Para daw alam kung pano maiiwasan and all. Kung gusto daw, gawin nalang mag isa. HAHAHA! And wag daw gagawin sa school kase manunuod daw sha. Tas biglang nag shut down yung sound system =)) Aning amp. Basta madami pa yun. Sa sausage thing. Chorizo blabla. Mga bastos na may class. Ganun sha mag mag salita. >=)))

Yun lang naman ginawa, puro discussion lang sa Swine Influenza. Instead na 11.30 dismissal, 12 na kami pinalabas. WAWA. Haha. Daya ng Section B, walang pasok bukas. Kase dapat hapon sila pasok kanina, eh since wala prof namin sa NSTP bukas, kaninang umaga sila pinapasok. Daya! >:( :))


1 pm pa naman pasok namin bukas kaya baka sakaling pwede pa ko matulog. SANA LANG. :))


JUSKOO!
Wednesday, June 17, 2009
Wiwit! Kamusta naman ang araw niyo? BRR.

So, third day ko ngayon. HAHA. Kanina, pag pasok ko, may mga nakasabay akong kablock ko na papasok ng gate, pero inunahan ko. Tas umakyat na ko. Pag pasok ko sa room, iba yung mga tao. Akala ko mali room na pinasok ko, pag labas ko, 203 naman. Tama. Naalala ko bigla, chem lab nga pala kami. HAHAHA! Stuf-ed. Yan ang napapala ng nangunguna :))) Kahiyaa! So yun, bumaba ako tas bumili muna ko ng books para di naman mashadong halatang napahiya ko da ba. :)) ayun na nga, pambungad ang Chem (lab) shempre sa Laboratory. Grabe lang sa kaantukan ah. Una kase naming ginawa, nag pasa ng class cards tas bumunot ng number. Para sa groupings tas aft nun, nag group na. Tas tinalakay yung rules bla bla, tas yung mga apparatus sa lab. Basic lang ulit. Pero kaantok talaga. Tas nag break saglit tas lecture na bout sa Organic thingooo. Sobrang di pa comfotable. KAse walang sandalan and stuff. Kaya pagalaw galaw talaga. 8-12 yun. Pero dinismiss kami ng 11.30 :D tas yun, nag lunch. Tas may mga tumitingin sakin na nakaupo lang sa line ng table namin sa pinaka dulo. Tas nung pumila na kami, tsaka ko sila tinignan, mga X-classmates ko pala sa st.Mary's. HAHA. Nakakamiss! Mag kakasama sila. 3 yata sila or 4 na tiga cgh. Ayunnn. Pero hanggang tingin lang naman sila. Kaya di ko nalang pinansin. Hehe. Siguro next time, mag kakausap din kami. AYUNN!

Tambay nanaman sa classrooom. Nag iingay dun. Tas nag sisitawa lang. Haha. May mga sarisariling mundo kase eh. Iba ibang groups din. Pero nag kakausap usap din. Ayaw nila maniwala sakin na may HERMAPHRODITE. =)) Diba meron namang ganuuuun? Tatanong yung isa naming kasama na pano daw yun, may nasuksok sa ano. Tas may nag sabi ng edi masarap! HAHAHAHA. Nakampots. Tas basta yun, lakas trip lang na natatawa na samin yung mga nasa harap namin. Kamusta naman? Nakikitawa na din sila. HAHA. K. Tas nag patugtog yung lalaki naming ka block ng CARELESS WHISPER. Laughtrip amp. Tas sabi nung isa pa naming ka block na babae naman, wag daw kase natetempt shang sumayaw. HAHAHA!

Tas dumating na instructor. Si Ms. Hanna, RD, MAN (di ako sure kung MAN nga yun. Hehe) sa TFN (theoretical foundations in nursing). okay naman sha. Nag effort pa sha gumawa ng PPT. na napaka haba ng content. Wala pa sa libro mga yun, kaya todo kopya kami. DAMI TALAGA! NOTES!!! :| di din naman boring kase di sha boring mag explain. Intersting mga sinasabi. At kalog din. Grabe lang talaga sa notes. Haha. Ayun! Goodluck talaga. Kase sinabi na niya agad kung anong meron sa subject, na iba curriculum namin sa mga nakaraan. Actually, iba iba daw talaga every year dahil nga daw sa mga theories bla bla. Kaya mas lalong nanapaganda pero pahirap ng pahirap. Dati daw kase sa hindi BSN. Yung first 2 years daw noon, yung mga inaapply mo na lahat, tas after ng 2 years, dun ka palang makakapag decide kung ano talaga gusto mo. Kung PT, Nursing, Dentist, Doctor, etc.. Pero binalik nga din sa BSN, tulad ngayon. Bakit? At kung ano bagong curriculum? Malalaman ko pa sa sabado. Mag intay! :)) ayunn! Tas habang sinasabi niya lahat ng yun, pati yung magiging coverage namin, parang lahat kami SHIT? Haha. Shocked lahat. Tas napatanong nalang siya ng 'Kaya niyo pa ba? Di pa tayo nag sisimula ah." HAHA. Para daw kaming nappatanong kung may future pa kami. Haha. Isang malaking GOODLUCK talaga. :))


NEXT WEEK, wednesday, wala kaming pasok kase MANILA DAY. Sino din wala pasok?? :D at dahil dun, may MAKE UP classes kami. Sa TFN, mag kaka 3 consecutive wed kami na 1-5 ang class. FTW?? :| tas sa Chem (lab) naman, 1 friday lang na papasok kami ng 8-12 para dun. :| GOODLUCK! :))


We're just cool, like that! :O
Tuesday, June 16, 2009
Oyea, orayt! Haha. Second day ko ngayon. Mas masaya sha sa kahapon. Well, me iba't ibang dahilan naman ng pagiging masaya sa bawat araw eh. Hehe. Kahapon, kase may mga new found friends ako. Tas okay 2 instructor namin. Di terror. :)) tapos...

Kanina naman, English & Fil. English muna. Akala namin terror eh. Pag pasok niya sobran tahimik lahat. Tas nung nag salita, WHOA. Bilis laaang! :| Okay naman sha. Nakakatuwa panuorin mag salita. Hehe. Tas yun, nag pakilala nanaman. Grrabe nakakatawa si Clemente. Kase, dapat yung initial kung san nag start 1st, 2nd, last, middle name mo. Kahit ano dun. Mamimili ka. Si Clemente, B start. Sa middle niya yata yun. Eh nung una, wala sha maisip. Napapa-oh my gosh lang sha. Ayun. Tassabi niya 'B- for beautiful.' Tas tawanan na lahat. Pati si Ms. HAHA! Tas sabi pa niya 'Though the adjective I chose doesn't fit my FACE, I'm still beautiful because I have a beautiful heart.' Tas palakpakan lahat, pati si Ms. HAHA. Kulet talaga nya. Tas yung isa namang lalaki, sa Francisco, cute ginamit na adj. HAHA! Kapal. Joke. Ayun. After nun. Nag discuss. Di naman din ganun boring. Di din terror. Kaya thumbs up! :D maaga niya din kami dinismiss, 30 mins before break. COOL. :))kaya 2hrs halos break namin.

Kumain sa caff. Umuulan kase kaya di na kami lumabas. Kaya yun. Grabe yung lunch dun, 1rice-2 side dishes-1dessert = 35 pesos. Anong say mo? Shocked ako eh. Di tulad sa canteen sa ***** tipid na ulam mo, 50.oo pa. WHEW! HAHA. Ayun. Tas aft kumain, nag cr kami. Tas nung nasa loob ako ng cubicle, may nag tatalak na babae sa labas. Nag tatanong kung sino daw nag iwan ng pinag kainan sa canteen. As in talak talaga ah? Ang daming tao sa CR. Gaahd. Eh shempre guilty kami. Tas pinabalik kami dun, tas nahihiya na kami talaga. Nasa labas palang ng caff, may mga nakatingin na dun sa may table namin. Grabe siguro talaga tumalak yung babae. Tas pag pasok namin, para kaming ewan. Nakakhiya talagaaa! Daming tao lang. Tas yun, nag sorry nalang ako. Haha. Kailangan pala kase itapon yung mga di naubos na food tas ilalagay yung plates dun sa may dirty kitchen. May guy dun. Ayun. Eh di pa naman kase kami nag oorientation. Sa sat pa. Kaya yun. Whoa talaga! :)) si Jovi naloka eh. Katuwa :))

aft nun, akyat na tas pasok sa room. Chitchat lang. Ang iingay. Haha. Tas nun, 10-15 mins. late yata yung instructor namin. Balita ko bading sha. Sabi ni Camille. Eh before pa sha dumating, nakwento ko na sa mga NFF ko. Tas narinig nung boys sa harap namin, nag bilang ba naman bigla ng mga lalaki. Tas may half half pa. Kase may 2 kaming guys na di STRAIGHT. You-know-what. Ayun. Ang Kulit lang. Hehe. Tas yun na, pag pasok ni Sr. Navarro, tahimik. Tas natatawa pa kami sa itsura niya. Kyut kase eh. Hehe. Tas sabi nung isa kong kablock na guy, CHONGKOYLA daw. HAHA. Maliit kase sha na mataba na mejo singkit. Pero di sha intsik. Kase moreno sha. Ayun. Nag bigay ng background sa sarili niya. May asawa't isang anak. Pero kung titignan mo daw sha, para daw shang 'isang baklang mukhang tomboy.' TAWANAN LAHAT. Benta! Hahahaha. Ang kulit niya talaga. Nakakatawa soper laughtrip! :)) kulit pa ng pag sasalita niya. Tas nung pinapabasa niya yung syllabus, nag tatawag sha. Tas sa last, si Clemente yung tinawag niya. Eh isa sha sa di straight. Sha kase tsaka si Jovi. Ayun. Tas aft niya mag recite, sabi nung prof namin, 'totoo pala talaga ang sirena, ano?' amp. :)) Mahilig sa mag bonggang bongga at sa word na PEOPLE. Parang everytime na may ieexplain sha 'ganto kase yun people...' or 'alam nyo people...' ganun. Ayun. Haha. Tas nung sa wika thing. Nag bigay sha ng example. Sa lalawiganin. 'Wow! Ang sariwa naman ng utong mo.' Tas lahat tumawa. AS IN ROFLMAO talaga! Haha. yun pala ang tinutukoy niya, sitaw. Sitaw=Utong sa ibang probinsha. Sa Ilocos yata. Ayun. Kulet talaga. Madami pa yun. Sa susunod ko nalang kkwento. Pinapatulog na ko. :|


TFN & Chem lab bukas! Sana di terror TFN instructor namiiin!! So far, wala pang terror. At di na kami umaasang meron. =)) LOVE IT! :))

*miss ko padin HS.*


NANAYT!


Pers Day ;)
Monday, June 15, 2009
Wowowee. How's your first day? HAHA. Ako kase, ayos naman. Nung una, loner mode talaga. AS IN. Si Camille kase, B section niya eh A ako. Ayun. qtr to 8 ako dumating. 8.30 pa pala pasok :)) excited much? HAHAHA! Akala ko 8 eh. Amp. Tas yun, habang nag iisa ako, naiisip ko ingay nung HS. Yung Bacthe. Yung GG. Yung EB. Yung pag pasok mo palang ng room may sisigaw na ng Goodmorning DET! Etc.. May bubungad ng hug. Peck sa girlfriends. LAHAT NA! Kamiss talaga. Naiisip ko din kung pano pa pag kasama ko si Katrina dun, mga papasok palang sa pinto may lait na agad na matatanggap! WAHAHAHAHAHA! :P tas tawanan and all. Mga ganun. Okay, moving on. :))

So pambungad agad ang CHEMISTRY (LEC). Kamusta naman diba? Hehe. Ayun, nag pakilala. Tas kung anong ineexpect mo sa subject. Ayun. Tas lec na. Di naman boring kase kopya ng kopya. HAHA. Tas yun. Maaga kami dinismiss. Mga 11 palang. Eh dapat 11.30. Ayun, eh mag papapicture na kase for ID. Buti nalang nag ayos ako. Hehe. Kundi... ALAM NA! :)) Ayun. Aft nun, since ako pinaka una, pumunta ko times square sa may Hosp., bili fruitas. Tas balik school. Inantay si Camille. Tas kaen, tambay. Pasok kame sa room ko tas kwentuhan. Tas bumalik na sha sa room nya. So anu na? Balik loner ako. HAHA. Panis nanaman laway. LOL. Tas maya maya, may pumasok. Bakla. :)) (hane ko, kamukha tlaga sha ni Jugjug!!! HAHAHAHA!) Tas wala lang. Maya maya, puno na lahat ng upuan. Except sa may inuupuan ko. So may pumasok na ulit na group. Eh yung isa dun, nakausap ko na slight. Dun sila tumabi sakin. Tas yun. Kinausap na nila ko. ATLAAAAAAST! Haha. Inaantay ko kase talagang may mag pakilala sakin. Ayoko ako mauuna. LOL? :P tas yun na. May mga kasama na ko bukaaaas! :)) 7 kami lahat puro babae. Hehe. (namiss ko naman bigla ang GG :|)Tas yun na. Dumating na Math instructor namin. Okay naman sha. Babae. Masaya naman. Di ganun ka boring. :D pero nakakantok talaga eh. Yung oras kase. 1-4, oh, anung say mo? Tas yun, nag lecture lang. Pero before pa yun, house rules muna. Haha. Tas nangumusta sha. Ang kulet lang nung boys eh. Actually, isa palang talaga wild. Tas nung questions thing, may isang bading na ang daming tanong. Tas bawat butt in niya, tatawa talaga halos lahat. Ang kulet kase ng boses. Tas ang dami talagang tanong. Enjoy eh. HAHA. 2 bakla samin. HAHAHA! Ang cute. Tas si Jovi, yung isang bakla, tuwang tuwa naman dun kay Clemente (last name nung bading na makulet) na para bang di sila same same. Naiiis sha na natatwa na ewan. LABO! :)) Tas nung mga last minute pa bago mag uwian, sobrang sumakit ulo ko. Na parang gusto kong pumikit na ewan. GAAAH! Aft pa yun nung seatwork ah. Kamusta naman? :)) Naubusan ng laman? HAHA. Parang tyan lang yan eh :| :| :| tas yown, maaga nanaman kame pinalabas. 3.45 eh dapat 4. :)) SAYA!! Kulet ni Jovi eh. Hapit umuwi. Lingon ng lingon sa oras. Tas nung early nga dismissal, tuwang tuwa si gaga. Hate daw kase niya ang math. KALOKA! :)) tas yun, aft nun, baba sa cashier para bumili ng booklet for math & chem. Tas punta 7-11. May 2 ko kasabay umuwi, si Monique and Sam :D :D ayuuuuuuun!


Bukas, looking forward ako sa English. HAHA. Fil, ayos lang. Sana walang TERROR. Lols. :))) and looking forward din akong gamitin flats ko. Pamatay lang pumps ko eh. :( Sakit much.



Sa likod ng lahat ng to', may ganun? Hahaha. Miss ko na BATCHE!!!! :(((
at ikaw. Oo, IKAW. :| :( :(( :) :D :)) LABO!


Sarap buhay! :))
Saturday, June 13, 2009
Woa woa woa! Sup? :)) Malapit na mag pasukan mga kapatid! Anong nararamdaman niyo? Ako mejo nasasabik na. LOL, mejo daw? :))) Nababagot na kase ako ng todo dito. At sigurado akong kayo din. Wawawee! :D Goodluck sa ating lahat! ;)



06.12.09

Wala naman mashadong nangyari. Parang ordinaryong araw lang din tulad ng sa mga nakaraang araw. Natagpuan ko din pala ng buong kasinungaling lang mga pinag sasasabi nitong bagong yaya ng pinsan ko. Na kakarating lang dito wala pang isang linggo. Nag paalam kase na aalis na't pag aaralin daw sha ng tiyuhin niya. Kabago bago palang aalis na agad. Malaman laman ko, ipapasok lang pala sha sa pabrika ng tiyuhin niya. Nasilaw sa kataasan ng sweldo na 900 kada linggo. Eh goodluck naman sa gastos diba? Dun, sagot mo pag kain at daily needs mo. Samantalang pag dito, libre lahat. Isang malaking BADTRIP talaga. Anyway, so much for her. =))


Nung gabi na, oras na ng pag papasarap! Tinreat ako ng tita ko sa Excelsior sa tomas morato ng MASSAGE! UYE. Sarap laaaang. Ayun, sauna muna. Grabe, sarap nung init. Buti nalang may towel with ice pa. Kundi, nasupukit ba kami. :)) Tas may iced tea pa. Eh malandi kami kaya nag dala kami ng hot oil. Ayun, nag ganun kami sa loob. Tas kinwento ko nga yung nalaman ko. Ayun, chismis. Tas pag labas, yeabang kinis mehn! :))) Tas shower. Tas yun. Nag pamasahe na. SWEDISH MASSAGE. Tae, ang sarap talaga. Malandi ako kaya nag iipod ako habang minamasahe ako. Haha. Pero tinanggal ko na din nung pinaharap na ko. Sagabal na kase. Tas mejo fineel ko na din yung aura dun. LOL! Tas yun, tumagal din sha ng mga 1-1/2 hour. Di ko sure. Osge, from tayong dalawa hanggang SNN. Ilang oras? :| :)) tas yun. After nun, kumain kame sa HOTSHOTS. SIYEEHHHT! Namiss ko kumain dun ng Crispy burger melt!! Mejo nag laway ako sa Real Bleu Cheese burger ba yun? Ewan. Basta yunn. Eh since nag ccrave ako sa Crispy burger melt, yun nalang. Hehe. Tas twister fries! Grrabe, sinulit ko na talaga. Kase malamang sa oo, matagal na naman bago ko makakain dun. Haha. Ayunn. Tas napag usapan yung mga dumadaan ng mga teens sa gilid. (Na sigurado galing Dolce na lumilipat sa Guilly's) Sabi nila, malapit na din daw ako sa ganun. K, goodluck. HAHA! Excited na ko. LOL. :))) Miss ko na nga yung ganun eh. Gimik. Di bale.. Malapit na. CAN'T WAIT naman! HAHAHA! LOL. Ambisyosa. >:| Tas yun. Uwi na. Sabi ko ayoko pa. Haha. Sabi nila, ano pa daw ba gusto kong gawin? Gusto ko pa daw ba gumimik? Tas sabi ko nalang oo. HAHA. Tas tawa sabay tayo nalang ako. Then, uwi. Nag tanong pa eh noh? :)) Tas kwentuhan uli sa kotse. Saya lang. Saya talaga pag libre. Agree? :>


Oyeah. Miss ko na friends ko!! :(( Well, that's life. :))

Kakauwi nga lang pala ng tito ko galing States. Ayun, nagse self-quarantine sha. LOL, joke lang! :)) madaminanamangchocolatestatabaakolalo :|


Matter of fact
Friday, June 12, 2009
On this day of your life, Loudette, we believe God wants you to know...
... that it's OK.

Just rest for a moment. It's OK. Yes, things are crazy, yes, the world is going nuts. Yet, deep underneath the stormy waves, there, in the core of your being, there is pure silence, pure love. And ... it's ... just ... OK.





Goodnight! :) I love you.


BLANK.
Wednesday, June 10, 2009
Bored much? Hell yeah. Gaaaah! Kabagutan na. Ibang leve na to ah. Di ko na kaya! =)) Nabago ko tuloy layout ko. :)) Okay lang ba? Comment naman! :D bigyan mo nga ako ng magagawa. Nakakahiya na ko. Ang nonsense na ng mga napopost ko. Ay kidd lang! Di naman nonsense, wala lang mashadong creativity. LOL! =))



Ay kagabe (June 8), nag text sakin si Syl, sinabi niya na nabasa daw niya yung palanca ko sakanya noon. WAHAHAHA! Natawa naman ako. Sobrang nakakahiya. Yung mga sinasabi ko dun. Ang awkward tuloy. Lol? Haha. Joke. Basta. Sabi pa niya nakakahiya ka pa ah. HAHA. Tas parang di daw ako yun. Eh duh, ang tagal na nun? Baliw pa ko nun. =)) tas sabi niya na 'lakas tama ba kee?' something like that. WAHAHA! Nakampots. (word na natutunan ko sa T2 hahaha!) tas yunn. Kulet lang eh. Tas napag usapan namin yung sa BAD sha thingo, kase sabi ko. HAHA. Pero di naman daw. Itanong ko pa si Katrina. (kase nabasa niya din yung palanca sa kanya ni Katrina hahaha!) Eh shempre puro mga ksweetan ekla yun diba? MALANDE! >=))

OKAAAY, ENOUGH. HAHAHA! :P :*


So, what now?

AY! Can't wait for the release of iPhone OS 3.0 :D sa tingin mo ba worth it ang pag bili ko nun, if ever? Nag iisip na ko ng mabuti. Kase kung papalitan ko man iPod ko ng iTouch, iPhone nalang, da ba? All in one pa. Whatchathink? Pero parang mahihirapan ako magtex? Eh hobby ko pa naman yun. LOL!! :)) Pero ang maganda kase sa bagong iPhone 3.0, masswitch mo na sha sideward para mapalapad and di ka mhirapan mag tex. Tas 3 mpx na sha. Tas may video na din and all. Per parang mababa padin? AY EWAN! Hahaha. Help me decide!! C'mon :)


NEXT...

Excited nadin ako mag premiere ng My Sister's Keeper. Bakit? Eh kase makikita ko na GG loves ko. Hello, parang mag iilang linggo ko na silang di nakakasama. Or buwan na nga yata. Tas di pa ko nakapunta nung bday ni KAKA :)) kase nandito ako sa QC, habang sila, nag papakasaya sa seisha. Tsk tsk. Haha. Going back, talagang naexcite ako hindi sa movie eh noh? Ganon talaga! K? :))

I really miss my friends!!!! :( poor meeee :| :)) :((



1st day 15. Can't wait. This is too much!!! x-( toinks! haha.


Tittle-Tattle

Thoughtless Little Pig

Rumor has it

Old Road

credits