Saturday, March 14, 2009
Wee, ginaganahan lang ako. At dahil matatapos nadin naman SY, gagawa nadin ako netong etyas na 'to. Yhesss, perstaym! =]]



Let's name NAMES :)


Katrina Camille Malicay

- "Hunny/Hane ko, Chocolate syruuup!" :D yan lang naman yung tawagan namin simula pa nung 1st year(chocolate syrup) at 2nd year(hunny/hane). Mukhang ewan lang yung chocolate syrup eh noh? HAHA! Well anyway, sha lang naman yung tanging nakakaalam ng mga kabaliwan ko at.. osge, katangahan nadin simula pa nung 1st year. HAHA. Sha lang din yung komportable kong nakaka kwentuhan sa mga bagay bagay na tungkol sakanya at sa iba at sakin kahit na ngayon mejo di na ko nakaka pag open up sakanya. Sha lang din yung kaisa isang katangi tangi kong kasama at kasundo sa laitan. Laitan sa mga taong dadaan lang sa harap namin. Tas pag tatawanan at kung anu ano pa. Hahaha. Ewan ko ba, pero masarap at masaya katawanan yan. Masarap at masaya ding kasama. Madaming nalalaman, madaming sinasabi. Kahit sobrang kakorny-han na. Haha. Ayun. Friends do come and go, ika nga. Pero sha, come and go then come back again. Whuuuuut? Haha! Pero totoo naman yun. Though marami nang nag bago samin ngayon, alam ko namang sha padin yung kaibigan ko na laging anjan at handang makinig, umintindi at at... Yun na nga. Haha. Kahit na may pag ka SUTIL yan, Mahal na mahal ko yan. =)) ;)


Noel Patrick Bulan

"Exp" simula this year lang. HAHA! :P di, yung tawag lang na yun. Pero mahalaga na yan sakin simula pa nung naging kaibigan ko yan. Simula pa nung second year. Naging close ko lang yan mula nung mahiwalay sha sa batch namin. HAHA. Ayun. Period. :P Kahit na parang bata umasta yan, naiintidihan ko naman sha. At kahit sobrang lahat na inis jan dahil sa sobrang kakulitan at kaepalan, haha! Tatawanan ko nalang yan. JOKE. Pero never ko namang iniwan yan. Lagi lang akong nasa tab niyan pag sobrang down na yan. Ayoko shang nasasaktan. Pag ganun kase, tipong mag eemo na, di na sha yung PATRICK na kilala ko. So, wag ka na makiisa dun. GET IT? Anyways, si Patrick kase yung tipong maewan na malambing na sweet na thoughtful na ewan. Basta, ang unpredictable. Child-like. Sobrang matampuhin. Isang MALINOG. =)) anu ano pumapasok sa utak. HAHA. CERTIFIED UTUTIN. Pero sa likod ng lahat ng to', maasahan naman yan at sha yung klase ng kaibigan na SELOSO pero soper protective at soper din mag care :) sa mga nilalang na di sha tanggap, naiintindihan ko kayo. :)) Pero mahal ko talaga yan. MAMIMISS KITA, EXP >:D<

Julius Caesar Solis
"Honey choco dip" since 1st year. Hahaha. Eto na yata yung nilalang na kahit ang dami na naming di pag kakaintindihan at kung anuman, di parin natitinag friendship namin. Sha kase yung klase ng kaibigan na pag may alam sha may something sayo na ayaw ng nakakarami, sinasabi niya. Di para saktan ka or kung ano man kundi para sa ikabubuti mo.Ayun. Sobrang sadista netong nilalang na to' at di na matatanggal sakanya yun. Hahaha. Sha yung taong mapapagkatiwalaan ko sa mga oras na natitipuhan ko. JOKE. Haha. Kahit na madaldal to', di ko parin maaalis yung mag share ako sakanya tungkol sa mga nangyayare sakin kase alam ko naman, sa lahat, from the very start, naiintindihan niya ko. Nag kakaintindihan kame. At nagkakaramdaman. GET? Basta yun. Hehe. Masaya din kasama to', walang dull moments. At dahil sa mga bonds namin, marami na kaming FAVORITE song pareho. HAHA. Tulad nalang ng "Sugar we're going down", "CRY", "I hate this part", "Insomnia", "It ends tonight" at marami pang iba! :)) grabe. Lage kame tumatawa. Tumatawa sa panlalaitan namin sa isa't isa. At sobrang komportable ko sakanya. Sha kase yung kaisa isang lalaki sa batch namin na sobrang close ko. Kasama ko sa kahit san ako mag pasama at sa lahat. Kaya di mo masisisi mga kapamilya ko pag iniisip nila at inaasar nila kong boyfriend ko to'. Funny noh? Hahaha. Uh. Mabait sa mabait, masama sa masama. Pag ayaw niya sa isang tao, ayaw niya. Lalo na sa mga.... Haha! Basta. Kahit na anu pang sabihin ng iba at kahit ano pang isipin nila dito, wala akong pakialam. Alam ko namang alam niya na lagi lang akong andito para sakanya, handang makinig sa lahat :) Sobrang mamimiss ko to :')

Angelica Dacanay
TEKLA! :)) baho noh? Well, kung gano kabaho tawag ko sakanya, ganun ko sha kamahal. Hehe. Secret keeper ko yan. Sobrang secured lahat jan. At ngayong matatapos na kame sa HS, alam kong baon na sa baul lahat ng yun. Haha. Sakanya kase ako free na mag sabi tungkol sa mga katangahan ko or kahit sa mga KILIG etyas ko. Haha! Laging handang tumulong at makinig. Pag dating naman sa pag sasama namin, kahit madaming tampuhan at kahit na nag kahiwalay kame nun (ng grupo), gagawa padin ng paraan ang tadhana at ngayon, mag kasama na ulit kame. Siguro nga yung friendship na nasimulan namin, pang FOREVER na talaga. Sobrang namiss ko yan, lalo na pag mag tatawanan kame. Sarap kase katawanan neto, at sarap kasama, lalo na pag hyper na talaga ko at lalo na pag sha din, grabe SABOG NA! Dati ko tong GALA-MATE. Kasama ko sa lahat ng galaan at kung san man kami dalhin ng mga paa namin. Punta kame kung san san para mag kwentuhan ng kung ano mang etyas sa buhay namin. Awww. Sobrang mamimiss ko to'. Kanina nga sa last prac namin, mag katabi kase kame, ung laughtrips namin at lahat ng ginagawa namin, sobrang namiss ko yun at MAMIMISS ko yun. I LOVE YOU tekla! Sobrang salamat sa lahat! =')

Myra Gurango
BEM :) masaya ako kase sobrang mas naging TIGHT kame ngayong SY na to'. Madami na din tong alam sakin. Dahil sa lakad trip namin halos everyday, madame akong nasshare sakanya. Mapag kakatiwalaan to at sobrang maaasahan mo pag kailangan mo. Madaming nalalaman kaya madaming ADVICE/s. Hahaha. Mamimiss ko mga kabaliwan namin neto. Sha kase yung mag kakatinginan lang kame, ALAM NA. Haha. Madami na ding natulong sakin to eh. Sa friendship, love, family, Macho G. At sa lahat. Hahaha. Kaya sobrang THANK YOU!.............. And ILY! :')

Angela Mariel Milan
CHADO ko :) Sobra ko tong pinapahalagahan at sobra ko ding LOVE :) Mamimiss ko yung mga kulitan namin neto. Ang hyper kase netong babaeng to eh. Kahit na lagi akong binubugbog neto, mamimiss ko yun! Ganun sha kalambing eh. Hahaha! Lagi kaming nag bubugbugan at nag kukulitan neto. HAHA! Para ko tong nanay, sobrang mag care. NANAY naming lahat. Sarap katawanan at kakwentuhan. I'LL UBER DUPER MISS YOU, chado :)

Eto na muna. Tamad pa ko. Wait mo pag labas ng pangalan mo dito :)


Tittle-Tattle

Thoughtless Little Pig

Rumor has it

Old Road

credits