HEMBAAAACK! :D
Tuesday, December 30, 2008
Kamusta naman ang buhay buhay? Heto ako't sinisipon. Sa lahat ba naman ng ayoko eh yung mag karoon ng uhog sa ilong. Aba nama't nakakairita ho kaya! Singhot jan, singa rito. Ew, nakakawala ng.. ERR. Buti nalang may POISE ako suminga. Wahahaa. Okay, so much for that.

Sa mga di nakakaalam, kakagaling ko lang sa isang malupit matinding masayang bakasyon. Oha, san ka pa? Jan nalang. Haha. So yun nga, galing us Baguio, the summer capital of the Philippines and at the same time, the city of pines. The city of sundot kulangot, the city of peanut brittle & delicious ube, the city where some igorot lives, the city.. The city.. The city.. The city of Baguio. Yhess. Dun nga po mga kapatid. Nag punta kame dun nung 26 ng 6 am. Nakarating kame ng mga 3 pm. Bakit kanyo? Eh kase.. TRAFFIC. Buti nalang dun sa alternate route kame dumaan. Kundi, nako. Basta. So yun, nakailang hinto din kame dahil sa sobrang HOT nya!! Oo, super hotttt!! Pero mababadtrip ka eh. Mabubwisit ka. Bakit? Lols ka ba? Di naman lalake o babae tinutukoy ko. Kundi yung.. Yung... Sasakyan! Yung Starex! Yun! Yun nga! Engts. JOKE LANG. So yun nga, nag overheat. Di ko na kkwento. Mahaba. Malaki... :))

So punta ng burnham, nag bike. Nag picture, nag hanap ng kahoy na tit* para kay Rudolf. Na bibilhin ko na sana pero nahiya ako. At nasabi ko nalang na "sa may mines view nalang. Madame dun!" (Pero di din kame nag punta. Engts. Sayang. Sorry.) So yun, nag antay kame sa mga nag hanap ng villa (dahil yung tinitihan namin ay fully booked na). Nag tiis sa sobrang lamig nung gabing yun. Wala kong jacket. Walang kahit anu. Nakakapanginig buto. BRRRR. HUG ME. Weh. Haha. Ayun, dumating si tito Robi. Nawala naman si Ate Joy at Marco. Lahat nag panic. Tapos. Tapos.. Wag na. Katamad ng ituloy.

Nakauwi kame. Madami kaming ginawa. Mga 2 na di pa ko inaantok. Andun ako sa sofa't nakikinig ng usapang lasing. Paulit ulit. Nakakatawa sila pero nakakaewan. Haha. Hanggang sa **BOOOOOOGHSSSH!** wala lang. Umakyat ako at natulog. Yun ang katapusan ng DAY 1.

Day 2, as usal, ako ang last na gumising. I mean, execpt sa isa kong titong ngarag. Ahaha. Kumaen, naligo sa kabila ng kalamigan. Ganun talaga. Umalis kame ng mga alas 5 ng hapon. Kamusta naman diba? Traffic pa. 6 na, nasa daan padin kame. Malamang pag dating namin dun, humayo na ang mga kabayo. Kaya nag pasha silang mag camp john nalang. Dun kame sa mga arcade chuva. Tas nag tipon sa Choco-Late Batirol Cafe. Nag tawanan kame sa mga coupling shots na gawa ko. Grabe, nun ko lang ulit sila nakitang mag kanda pilipit tawa. Ang ingay naming lahat dun.
[[Gusto niyo makita? Money down, dude. Haha. JOKE LANG. Ge, popost ko maya pag punta ko sa bahay ng tita ko. Mga 10 mins lang yun from here. :>]]
Pag katapos nun, uwi kame. Nakalimutan ko na ginawa namin. Haha. Ay ayun. Sinundo ni Tito Eric si Kristen sa lola niya. Ayun, kasama na namin sha. Kodakan, kwentuhan at marami pang iba. Tapos. TULOG.

Day 3, nangabayo. Waha. Ang sarap mangabayo. Lalo na pag mabilis. Igno naman ako. Feeling ko tagakabayo ako. Waha. Ganto kase oh " Hay, tsk!" sabay palo. Ganun. Tas tumatakbo na sha. Nyahahaa. Ayun. Pag katapos nun. ICE CREAM. ITLOG. AT USAP. Nag isip ng mapapshalan, pero wala na, so PLAN C. BEAAAACH! Nag isip na irefund yung rent sa bahay pero di nalang. Haha. So kinabukasan ang plano ay mag LA UNION. Ang saya diba? So, uwi, kaen, nanuod ako ng American Pie sa iPod ng pinsan kong si Mae. Tapos, maya maya, sakit sa ulo na. Nag iinuman pala ung mga nasa baba. Pag baba ko, "Wow! May pusit!" Waw. Sarap. Tapos, pinainom ako. Pero, wine lang. WHITE AND RED. Tapos sila, walang sawang cheers! "To to wound that never heals, the more you push the more you feel (second voice: I can feel it!) CHEERS!" Hansaya noh? Para silang timang. HAha. At umiral ang pag hyper ko, nag coupling shot ulit ako. Tuwa naman sila. Kulit lang. HAHAHA. Tapos yun. Maya maya, BAGSAK.

Kinabukasaaaaaan..

LA UNION NA! The end. Tamad na ko. Basta dapat aft nun mag FUNLAND, kaso closed na. Kaya kaen nalang balot & day old. Ahihi. tas napag usapan din na mag mindoro last week of January. Teka, kelan ba camping? Hay.

Pag uwi, nakatex ko pa si Guy 1 & Guy 2 & Guy 3. Eh tulog na si Girl 1, kaya yun. Sila nalang. Masaya naman ako, kahit pagod, di ako natinag. Hahaha. Di pa ko bumigay. Oha. Parang buhay lang yan. Madapa ka man ng ilang beses.. Pagamot ka na. Joke. I mean, mahuilog ka man from above (nyaha), plakda na mukha. :)) Joke lang ulit, Shempre, kailangan mong bumangon. Diba? Ayun. Going back. Naenjoy ko naman yung vacation. Sana kayo din! :D


Fa la la la la la la la la.. :D
Thursday, December 25, 2008
MERRY CHRISTMAS EVERYONE! :D

Hm, ayun. Masaya nanaman ang pasko. Tulad ng dati, puro games, bunutan, at gibing of gips. Oh diba, CHEERS! =*

Madame nangyare eh. Di ko na kkwento. Basta masaya ako sa buhay ko ngayon. Oo nga't merong mga bagay na nangyari sakin recently, na di ko nagustuhan talaga, pero ganun talaga. LIFE GOES ON-- ika nga. Sa kabila ng mga pangyayare sa buhay, mag pasalamat parin tayo kay papa God at pina-experience nya satin lahat ng to'. Mahirap man o madali, malungkot man o masaya. GOD's WILL, eh. Basta, mahal tayo ni papa God. MAHAL NA MAHAL! :D


Advance Happy New Year nga pala.

Sobrang nag papasalamat ako sa lahat ng taong nag bigay ng pag mamahal sakin ngayong taong to'. Sa mga taong nag turo sakin kung pano ba maging isang mabuti at matinong tao, kaibigan, kai-bi-gan, anak, estudyante, elyen (pwede na din). Sa lahat ng mga tumanggap sa kung ano ako. Sa nag patawad at mag papatawad palang. Sa nag pasalamat at mag papasalamat palang. Maraming salamat! Mahal na mahal ko kayo. Sana di matapos lahat ng yun ngayon.

Hm, yun lang.
Sa mga nag patibok, maraming salamat! xP
Sa nag papatibok, maraming salamat!xD
Sa mag papatibok palang, maraming salamat din, in advance! >:P

AT sa dahilan kung bakit tumitibok, sobrang maraming salamat! x]]


Sana maging masaya tayong lahat ngayon at sa mga darating na araw.


P.S mag unli kayo. Kailangan ko ng katex. Hahaha. Punta us Baguio later. Wanna come? :P


Happy Birthday :D
Tuesday, December 2, 2008
Happy Birthday Stephen John S. Reyes!

Yon! So kaninang umaga, PE. Ayun. Ang saya saya. 1-2 kame. Grabe. Last week po, 3-0. Well, okay lang. Hehe. So yun. Aft nung 2nd round, nag FREE FOR ALL na kame. Unang game, girls. Kakampi ko sila KC Nicole Katrina Verna. Tas kalaban namin sila Kat. Haha. Ang saya kaya. Kase namiss ko din ung ganung game. ALL GIRLS!!! Weehu. Sarap kase dameng goals eh. Hehe. Tas yun. Next yung boys. Tas aft nun, BOYS ulet! So nag react kame. Tas sabi ni Sir Martin, yaan na daw bla bla.. Kase kung gusto naman daw namin, nag set up na kame ng groups. Eh may groups na kame. Bla bla. Ang dami na niyang sinabi hanggang sa pinuna na niya yung mga gumagawa ng IW sa math. Nag iipod etc. Kase nababastos na daw sha. Simula 7.30 yung iba, yun na ginagawa. Whew. Nabuwisit na sha. So last game na yung nag lalaro. So di na kame nag laro. AWWW. Forfeited ang pustahang CHEESE STICKS :| so, masasabi ko bang nakatatak na ang mga katagang:
"In yer dreams, sweetie"
"Gusto mo mag laro tayo?...Sige, ikaw"
sa isip namin ni Myra? Waaaaaah! Hahaha. So yun.

Wala akong MEDYAS! Hahahaha. So umakyat kame ni Myra Dolp at Jus na kabadong kabado. Assuming na alam na ni Ms lolit nangyari nung pe time. Hahaha. So pag pasok, naka smile si Ms lolit. Eee. Hahaha. JOKETAYM! Nautusan pa para sa Kris... For Christmas party. Hehe. Ayun. Tas mga 12 something, dumating na si Sir Benjo. Para sa Mi Ultimo. Hehe. Kulit nung turn ni tintin eh. With actions & feelings pa tas hanggang 2nd stanza lang. Hahaha. Tas sabi parang pacunsuelo na yun kase hanggang dun lang alam niya. Hahaha. Kulet talaga amp. Tas yun. Aft nun, lunch ule. Tas bunutan! Haha. Kamusta naman nabunot ko? :P

EXAM sa computer. Eeek. Hahaha. Ayun. Tas uwian, punta dito sa bahay. Angela, Rudolf, Stephen, Julius, Justin, Myra, Patrick, Ja, Adrian, Richard, Verna, Miles, Buddy. TAMABY MODE. Tas.. Bili food, LIBRE NI STEPHEN!! Haha. Habang bumibili kame sa 11.12, may napagtripang pusa. Dala kase namin si Stephen DOG. Tas yun. May muning. Lakas trip eh. Angas pa. Hahaha. Tas pag balik, Nuod ALONE for the 3rd time. Hahaha. Kulet kase nakakagulat sha talaga. Tas si Rudolf yung tipong Sigaw nalang ng sigaw para nga naman pag dumating na yung nakakagulat na part, di OBVIOUS. Hahaha. Tas yun. Aft nun, dapat isa pa, kaso uwi na si Angela at Dolp so hatid... Labas sa bahay, jan lang sa may bilog namin. Haha. Sa 'garden'. Tas yun. HOT CHEAT. Nakakatu-wa. Haha. Alam mo ba.... :)) Tas maya maya, uwi na si Myra. Aww. Babay. Tas punta PG, andun ver at miles EEK. Tas yun. nag laro. Tas balik bahay kase uwi si Ver... Tas pag hatid namin ni Jus, uwi si Miles.. Pero... JOKE lang. Hahaha. Nag kwentuhan muna kame. Tama nga naman kase sha. Mahirap mag kwento pag madame. Pero sakin, ayos lang, Hahaha. Depende sa ikukwento. So yun. Napag usapan namin si GUY #1 at GUY #2 AT.. AT.. Sabay nasingit si GUY #3. Wahaha. Galing talaga ni Miles. Tas yun. Dami napag usapan. Tas sabay dating si Richard. Biglang ESCAPE NA SILA. Haha. So balik na kame ni Jus. Pag dating namin, sakto nag kukuhaan na ng bag. AWWW> Ang panget ng ending. Haha. Pero ayos lang. Nag enjoy talaga kame. AKO. Hehe. Namiss ko talaga sila :)

EEK! :D


Tittle-Tattle

Thoughtless Little Pig

Rumor has it

Old Road

credits