Ayun.
Thursday, November 20, 2008
Eee. Ang tagal ko ng di nakakapag post nanaman. Anyhoo, anu bang meron ngayong araw na to?

Grabe, sobrang saya at sobrang nakakapagod. PE nanaman kaninang umaga. Nakakapagod, pero nakakaginahawa. Aba, ang labo yata? Haha. Napakasaya kaninang pe. Di ko akalalaing dadating sa punto na ang dami ko na palang GOALS. ANG SAYA! Kase noon puro chamba lang tsaka assist. Ngayon, ayun. Mejo nag iimprove na nga yata ako sa FUTSAL. At pate sa BASKETBALL. Nung training kase nung Monday, ako din naka shoot sa grupo namin nila Kat. 3 tig 2. WEE. Haha. Bat kaya sa game di ko magawa yun? Nung sa UP RURAL Lang yata ako nakapag ttempt ULI. Puro pasa agad kase ako nuon. Di bale. DEFENSE is the BEST OFFENSE naman, ika nga.

Going back, kanina nung uwian, nag papicture ako sa bayan kasama sina Bryce Ja Pat at Aidz. Ayun. ANg saya kase nag lakad lakad pa kame. Kwentuhan, kaen ng CALAMARES (?) at may nakausap pa kameng isang pulubi. Nakakaawa na nakakatuwa. Napaka galang at napaka amo ng mukha. Yun ang nag udyok sa aming maki pag usap at pakainin sha't bigyan ng onting barya. Ayun. Ang sarap lang sa pakiramdam. :) pag balik sa eskwela, nag bihis ako agad at nag training. SHOOTING lang naman ngayon at walang coach. Nakakapagod. Sakit kase sa kamay. So, yun. Pag katapos ay agad akong pumunta sa Audi at nagpractice naman ng aming play para sa TAG. Sinisuguro kong maganda at papatok nanaman iyon sa mga estudyante. Nasasabik na ako! Waha. Goodluck sa amin.

At natapos na nga ang pag ensayo. Oras na para umuwi. LAKAD TRIP ule. Kasama si Ja Jops Chard My at Aidz. Kumaen kame ule ng Calamares. At dun nakita ko nanaman yung babaeng kinabwisitan ko nung una kameng nag punta dun. Pano ba naman, sa oras ng trabaho nag tetelebabad. TSK. At ang taray pa! Bwiset talaga. Hayun nga't pag balik namin, andun padin at nakasalpak ang telepono sa kanyang tainga. ERR. Hanggang sakayan ng Tryk. Pero nag isang byahe nadin kame. Haha. Nag usap kame ni Ja tungkol sa mga bagay bagay. AKSHULI, habang nag lalakad palang. Ayun. Nakauwi naman ako ng matiwasay, at ngayon, pagod na ko. Kaya.....


GOODNANAYT! :D


Tittle-Tattle

Thoughtless Little Pig

Rumor has it

Old Road

credits