So anung date na ngayon? Hahaha. Di na talaga ko marunong mag blog. Nakatatamad na talaga. Parang gaganahan lang ako pag me gusto talaga ko sabihin. Eh parang ikaw lang naman Katrina makakabasa neto. Kaya naisip ko... Na wag nalang ikwento. Hahaha. Joke. Asa ka naman Katrina, hello nga din pala sa mga ibang bumabasa. (Yek sped) Uh, nu ba pwede ikwento? Wala naman. Wala naman kaseng nangyayare sa buhay ko ngayon. Walang kahit ano. Haha. Walang bago, walang kilig moments, walang.. Wala talaga. Haha. Pero kahit ganon, masaya parin naman ako sa buhay ko (aba dapat lang!). Ang bago lang sakin eh, yung masakit yung ngipin ko. Taena talaga ehh Di ako pinapatulog. Kaya nga ako aabsent bukas kase me appointment ako sa dentist ko sa QC for root canal (bubuksan daw eh. labo) ayun. Kinakabahan nga ako sa. Katunayan nga nyan eh, naisipan kong manuod sa youtube kung panu ba gagawin dun. Para ready na ko diba? Kesa kinakabahn ako dun. Waaa. Tae naman kase eh. Katakawan sa CHOCOLATE. Di na nga ko talaga kakain nun. SWEET naman ako ehh (okaaayyy, koneksyon dude?)
Maiba naman tayo.
May tanong ako! Yeahhh. Pano kung may isang tao sa buhay mo na sobrang close mo o kahit di gaano, basta importante sha sayo, tas biglang nag bago(?) I mean parang di na sha tulad nung mga nakaraang buwan, linggo, araw? Anu mararamdaman mo? Ang weird kase ng nararamdaman ko(?!) "It hurts like hell!" (joke. Haha. Nabasa ko lang yan sa comment dun somewhere. Hahaha. Sfed.) Ayun. Para kaseng ewan yung mga taong parang bila bigla nalang di ka papansinin. Get? Parang kahapon lang ang saya saya ng usapan niyo tas ngayon BOOM! Wasak. Nakakainis kaya mga ganun. Eh ako pa naman ung ma-PRIDE na tao. Na gusto ko di lageng ako. Get? Yung tipong pag me nagawa na ko, yun na yun.
Waaha. Grabe. Binabasa ko na nga lang mga archives sa ym ko ehh. Kase dun lahat ng memories. me kasabihan nga tayong "Memory is a way of holding onto the things you love, the things you are, the things you never want to lose." Ang sarap kase balikan ung mga oras na yun. Masaya kame. Tas ngayon, wala na. Di na ganun. Para ngang tanga ehh. Tama nga yung sabi ni si benjo eh. Yung tungkol sa palanca thing. Na pag tapos basahin, susunugin. Kase nasa utak mo naman na. Di mo na kailangan balik balikan pa. Pero ako, yun gusto ko. Pero parang sinasaktan mo lang sarili mo nun diba? Yung tipong binabalikan mo kung anu kayo noon na di na kayo ngayon. GET MO? Tulad nga ngayon. Kung anu ung mga nasa archives ko, yun yon NOON. Iba na sa ngayon. So, di ko na babasahin. JOKE. Haha.
Okayy.. Tama na sakanya. Hahaha.
Tatanong ulit ako ahh. Ganun padin, ka-close mo. Sobrang ganda ng friendship nyo, ang saya nyo pag mag kasama kayo pero dumating yung time na di na kayo nag uusap. SOOOOBRANG tagal na. Na alam mong di kayo okay kase me nagawa shang something sayo pero para sakanya OKAY kayo. Anu gagawin mo? Kakalimutan mo nalang ba na me nagawa sha sayo at aarte ka na parang wala lang nangyare for the sake of "FRIENDSHIP" o papanindigan mo kung anu yung ginagawa mo na sa loob ng maraming buwan(month!)? Ako kase pinapanindigan ko eh. (nag tanong pa ko??) Shempre kase para san pang di mo sha kinausap ng sobrang tagal kung gigive up karin naman. Edi sana nung una palang ginawa mo na. Diba? Oh. Tsaka kung ako nga di nya magawang kausapin bat pa ko mag sasayang ng oras ko para kausapin sha, isipin sha, mamiss sha o kung anu pa. DIBA?!! Mabubwisit lang ako. Hahaha.
Nexxxxxt!
Pano naman daw kung.. Di wag na. Next time na. Sakit na talaga ng ngipin ko.
P.S pauso ko lang lahat yan. Gumagawa lang ako ng ISSUE. Hahahaha! -smug-
Tittle-Tattle

credits