PISSED.
Wednesday, December 23, 2009
Just got home from Ewood. BUM. =))

So yun. Mag kkwento na muna ako sa mga nangyari sa mga nakaraang araw. At syempre, sisimulan ko muna sa...

KAHAPON. (12.22.09)
Sa gitna ng napakasarap na tulog, nagising ako sa napaka ingay na daldalan ng 2 kong tiyahin dito sa napaka lamig na kwarto. Kamusta naman ang chikahan tungkol sa bill sa sun? Hala ka, nag kanda ikot ikot na ko para muling bumalik sa dream land pero wala.. Walang epek. Hanggang sa naisipan na nilang bumaba.. Saya diba? Ayun, nakahanap din ng tamang tye.. Tamang tyempo para muling ipag patuloy napaka sarap na tulog. Hanggang sa... BBZZZZT! Ginising ako! Isipin mo yun, andun na eh. Malapit na! I mean, yun na nga. Ang sarap sarap na ulit ng tulog mo tas bigla kang gigisingin?!?!? Dahil san? Dahil isasama ako sa kabilang bahay kase aalis daw kami. *Ting-ning!* nagising ang aking kalamnan kahit alas 9 palang ng umaga. Shempre, gala yun eh! Anu ba. Kaya ayun, nag handa na ko ng mga gamit ko. Nag paalam sa nakasimangot kong nanay na tulog. (Hala sige, isipin mo yun. Tulog tas nakasambakol ang napakagandang mukha. Sakto lang!) Tas yun.. Bago nakaalis, sandamakmak na daldalan ulit. TSK! *chik chik chikiiiing* sabi ng sasakyan. HAHAHA. Kyut noh? Pag kalipas ng ilang minuto.. 5, 4, 3, 2, 1... *DING DONG!* "Hello, goodmorning!" sabi ng bungol nilang katulong. Yippeee! Narinig niya ang tunog ng door bell. :P Pag pasok ay dali dali kaming nag lakad patungong salas. Tapos tinignan ang mga regalo sa Krismas Tri. Pero sad to say, wala akong napansing pangalan ko dun. Ewan ko ba, di pa naman malabo mata ko. O sadyang wala pa talaga? HAHA. BOOOO! NVM. Pag akyat ko, sumalubong sakin ang napaka napaka napaka kong pinsan na babae. HAHA. Ayun, bumungad sakin ang "Nag comment ako sa facebook mo." Nice noh? Haha. Tapos, pinag madali ko shang gumayak habang OL ako. *BLAG!* Tunog ng binalibag na pinto sa kubeta. *WEHOOOW!* *bumuhos ang tubig* Wow, naramdaman ko ang lamig. HAHA. Natawa naman ako nung sumigaw sha. SPED. NAG MANA. =)) Tas shet, after 5 mins, tapos agad. FTW? Saya niya. Shempre sumunod ako agad. Mahirap ng ma-sigawan. Bawal pa naman turtle mode dun. LOL! Ayun, 10.30 usapan na masusundo kami.. 11.00.... 11.30... 12.00..... 12.15.... 12.30.... 12.55 (tingin sa orasan bago ako bumwelo muli sa pag tulog).... ZzzZZZZzzzzzZZZzzzZZZZZZ!... 12.30 *kring kring* "Hello, nasan na po kayo?"....."Ah osge po, bababa na po kami ah.".....Shempre ako tulog tulugan padin. HAHA. Tas panira ng moment.. Bigla kong kinailangan ng bladder break. Paker. Ayun, bumangon na ko. Tas biglang sabi ni Pinsan kasabay ng tawa.. "Anjan na daw sha.. Malapit na." HAHA. :) Ayun, ilang minuto ang lumipas at nakarating din si TITO ****** :) Ayun, lar-go na.

TIENDESITAS para mag shopping ng gifts ng tita ko para.... SA SARILI NIYA??! Hahaha. Joke. Mostly para sakanya. Pero few para talaga sa reregaluhan. Eh can't decide ako kung ano papabili ko so sabi ko nalang sa TOPS ako bilan. Dito sa may Mindanao Ave. Dun kase dinadala yung mga not-so-reject ng Zara, Vans, Nike, etc. Cool noh? Tas mura shempre. HAHAHA. Ayuuunnn, kakaikot kakaikot... Natapos din.

EASTWOOD para mag pakabusog sa Fazoli's. Pakabondat sa Red Mango. At magandahan sa AVATAR. YEY! Kahit mejo inaantok na ko di ako talaga pumikit! LOL! =)) Ayuuunnn, mejo may sumira lang ng gabi ko pero okay lang. WALA NA AKONG PAKIALAM. =))) Bukas ulit gala! =)

Thursday. (12.17.09)
Naisipan kong bumili ng regalo. Para kanino? Para sayo! =)) Ayun, kasama ko si DOD S sa SMNE. Hala, nag pakahilo kami sa kakaikot at kakahanap ng matinong regalo at nauwi din kami sa una naming pinuntahan. F diba? Pasakit sa buhay. HAHAHA. Ayun, mejo naguguluhan pa ko nung pero nakapili din... SHA. Sha ang pumili. =)) LABO NA NG KWENTO KO. Sa the block, nakita pa namin si HOTTIE AJ PEREZ! @-) Saya noh? Kainam lang. Kumain kami sa KFC. Tas pinurchiz na namin yung *@*#&$*$@(#. Ayun, tas gala pa. Tas hinatid ko sha sa Anex. Tas hinatid ko sarili ko sa pila ng FX na walang kwenta kase hindi umuusad. Kaya hinatid ko nalang sarili ko sa napakahabang pila ng jeep na todo ang usad. Saya diba? (wtf) :)))

Friday. (12.18.09)
May nag aya sakin sa Paskuhan. Edi go naman ako! Sabi ko pa, wag sabihin sa iba na pupunta ko. Masunurin naman. Hindi nga sinabi. HAHAHA. I love you talaga bem! Ayun, nasa rumaragasang jip na ko nang aking matanto na KAILANGAN KO NG CIVILIAN! Hooooooolyyyyy cow! *toooooooot* di na nag funtion ang U-tak. Patay tayo jan. Todo isip pa ko mauuwi din pala ako sa GASTOS! Ayun, nung dismissal, sinamahan ako ng mga NFFs ko with DOD K sa SMSL para bumili ng damit. TODO tipid si gaga, shempre wala ng pera. =)) ARTWORK... *cheching!* Surplus...*cheching!*...Dept Store *Cheching!* Tas dali dali nag punta sa CR para mag bihis. *time check* 6.06 pm. HALA! KARIPAS! ...... Paglabas ng CR.. "Wow JL, umuwi ka ba?" =)) LOLOL. Tas yun, balik Blumentritt para dun sumakay. Tas sakto! Andun si Kuya sa Org. Kasabay ko. Kaso may hinihintay na binibiniSSS.. Pag kalipas ng 1.....3...5...7..10....13...15...17.....19....21...23...25 na minuto. HELLOO!! They're there. LOL! =)) [Pasinatbi po sa nag babasa, UMUTOT yung tita kong tulog! =)))] Tas yun, *eeeengggg, enggggg, put pot!* "Para ho!" Andito na kami. Todo mega contact sa mga tao sa loob para makapasok. Higpit kase dun sa may DAPITAN. So there, dumating na si ANN & MY. Yey! Lakad mode, kwentuhan... Pasok sa P.Noval.. Ayun! Yun na! Pag dating sa pinaka harap ng grandstand... "Nasan si *#@#&$#%($%?" Okaaay, di talaga kami pinag tagpo ng tadhana. Ayun, dumating na si BUDDY and friends. (TARAY! Parang si Pooh lang.) Tas nakontak ko si Nepets. Tas dapat uwi na kaso nag baka sakali. Pero wala ring nangyari. Pag katapos ng lahat, wala talagang nangyare. HAHAHA. It's not worth the galit of my Madur. Ya know? LERL. Pero okay lang, nag enjoy ako =)) Buti nalang pag uwi ko, lanturay na si Mommmaahh at di natuloy ang pag headspin sakin. YAHOOO! ;)

Saturday. (12.19.09)
WALANG PE ng MORNING. Nag paka-ano nanaman yung PE teacher namin. =)) <3
Tapos, sadyang pinag pala talaga nung araw na yun at wala kaming kahit ano sa Filipino. Tinalakay lang yung laman nung College Mag namin. Ang "Vitales Signa". Na napaka UGH lang ng laman. =) Tas pinagawa kami ng Krismas letter para sa mga bilanggo. Napaka creative naman ng gawa ko. WAHAHA! Tas yun, hanggang 2 lang naman talaga pasok ko pag Sat. Eh ang kaso, may Christmas Party dapat kaming aattendan sa ORG. Eh, nag kayayaan sa TriNoma. B-day kase nung friend namin. Si JEANE! Yey! Tas may isa pa kong THING nung araw na yun. Ayun, di ko na kkwento yung buong pangyayari. Basta nag punta kami trinoma. HAHA. Tas nakipag tagpo ako kay ASDFGHJKL;. Tapos, ayun. 1st time ko nakatikim ng RED MANGO! =))) Take note, libre niya. OO. Libre niya. FIRST TIME NOH? :))) Tas yun, puro kwentuhan lang. Lagi naman ganun, pag matagal di nakapag kita puro kamustahan lang. Puro kwento. Sumakit lalamunan ko kaka kwento. Kahit yung mga di dapat ikwento, kinwento ko na din. HAHAHA. Para masaya diba? Tas yun, punta kami the block. Tas sa main. Tas balik TriNoma. Tas nakipag meet sa mga CGH friends ko. Tas yun. BONDING MODE. Dun ko nalang din narealize na last na pag kikita namin pala namin yun for this year. BOBS lang. HAHA. Ayuuuun, basta madaming nangyari. Nag kasiwalatn na. Si DOD S kase talaga minsan, di mapigilan ang bibig. Pero ayos lang. HAHAHA. Tapos sumunod din si Mr. V kasama si DOD K. So there. Wala lang. =)) sandali lang nag siuwian nadin kaming lahat. Sweet, sa pila ng jip, biglang nag putukan! =)) I mean yung fireworks. Kasama ko si Dod K. CHESSEH! HAHAHA. Tas puro kwntuhan lang kami. Sharing bago mag hiwalay. Tas yun. Yun na. THE END!


Nakakamiss lang talaga HS days.. HS friends.. HS loves.. HS etc. HAHAHA! Pero ganun talaga, kailangan ko ng mag move on. LOL! Parang ang tagal ng issue nito sakin ah? HAHA. WAEBER.


Next time na ulit ako mag kwento!Antok na ko. Maybe after pasko. Ke ke? ;)




"I was feeling insecure. You might not love me anymore.."


Tittle-Tattle

Thoughtless Little Pig

Rumor has it

Old Road

credits