Cheena..
Wednesday, June 11, 2008
So... Ayun. Patay na ung Aso kong Labrador. Si Cheena. Aww. Bigla nalang shang tumamlay nung isang araw. Di kumakaen. Nag susuka. Tas ang red na ng eyes nya. So dinala sa Clinic. Tas yun. Pina confine nung doctor. Tas dapat kukunin ng katulong namin Yday. Tas di na pinauwi nung doctor kase daw baka di na abutin ng umaga sayang naman daw ung gamot. Kaya yun.

hanggang sa... Tumawag si mami kanina, patay na daw sha. Aww. Kawawa talaga. Buti nalang di ako mashadong in touch sakanya. Ayoko na kase ng ganun. MAsakit kaya pag super inaalagaan mo ung isang bagay, hayop o kahet tao na napamahal na sayo tas bigla nalang mawawala. Kaya yun. Nadala na ko noon kay Snupey. Nasagasaan sha. Eh yun halos every day kalaro ko, inaalagan ko, basta yun. Kaya nung namatay, ang hirap i-let go. Kase madameng memories. Masaket. Kaya iyak ako ng iyak nun. Kaya yun. Natuto na ko ngayon. Na okay na yung hina-HI HELLO, hawak dito hawak diyan. Yun. Kaya ngayon, di ako mashado apektado. Pero nakakalungkot padin.

Sabe ko nga kagabe kay God na kung wala nadin namang pag asa, wag na nyang pahirapan pa. Kunin na nya. Tas bigla ko nalang naisip na, wala naman silang soul? Hahaha. Drama pa eh noh. Kaya yun.

Drama ko. :]


Tittle-Tattle

Thoughtless Little Pig

Rumor has it

Old Road

credits